Handa akong utangin ang bukas,
makasama ka lang maghapon.
———-
imba hahaha. nakuha ko lang sa tropa ko. haha.
Haaaaaa. hirap mag move on kaasar.
pano ka magmomove on kung lahat ng nakikita at naiisip mo, naaalala mo sya.
tongue na mo ka. GTFO of my mind.
link >holymotherfuck ang gulo na ng buhay ko. haha. daming nagbago nung february.
everyweek drama.
nice.
feb 1 - 7 : nag kamabutihan kami ni dora.
feb 8 -13 : may iba daw na gusto. nakakabobo amp.
feb 14 - 29: nagkamabutihan ni cas.
march 1 : kami na.
pero potek, ala naman love. haha. ang empty. kaya baka kailangan ko na tapusin to. hays. hm.
back to zero.
sana si sai nalang ulit. :P kamiss.
february 2012
- rollercoaster ride. haha. matagal kong pinangarap sumakay ng roller coaster ulit.
un pala ung buhay ko mismo roller coaster. galing ni God. haha. potek.
link >.. It’s the day he becomes a Man.
link >Yep. yan na ata lahat ng picture namin na magkasama, excluding ung mga ginamit ung instant camera. haha. ang konti lang noh? haha.
Whatevs.
nanaginip ako nung isang gabi. alam ko hindi normal na panaginip yun.
kasi di ko makalimutan eh.
wala eto ako, naghihintay ng text mo. kahit bati man lang ng new year.
of course wala. haha.
tas nakatulog nako. tas pagdilat ko, parang nasa malaking auditorium ako. tas, nakita kita nakaupo. tapos, inaway ko ung katabi mo, kasi akala ko sya na ung pinalit mo sakin. di pa pala sya un. pero pinaalis ko pa rin. haha
tas umupo ako sa tabi mo. tas nagusap tayo. tas maya maya, okay na.
bati na tayo.
tas ung ulo mo nasa balikat ko. tas nilalaro ko daw ung buhok mo. haha. tas ayun. naglalandian tayo. ganun.
tas tumayo daw ako. inikot ko ung audi.
tas pag balik ko, may nakaupo na sa upuan ko. pero di ko na pinaalis. umupo nalang ako sa iba.
tas… wala na.
hay. ewan ko ba. 2012 na pala. haha.
in 14 days, 2nd anniversary na sana natin.
sana, pwede pang ibalik ulit sa simula.
pero I guess I have to let you go.
Goodnight babe. Sweetdreams. :) :*
last letter. aReSPieM
october? 2008 - first time ko nakita
something 2008 - first time nakatext
june 2009 - first time niligawan
july 31 2009 - first time nag “break”
november 2009 - niligawan ulit, seriously this time
december 2009 - first time ko nagbigay ng gift sa hindi ko naman nabunot sa Xmas party. first time ko din umattend ng paskuhan (kasama ka)
january 2010 - first time magkagf (for realz this time)
february&march 2010 - first hug, holding hands, kiss (sa cheeks).
august 21 2011 - last time kong nakita mukha mo. last time kong narinig boses mo.
last time kitang na hug.
august 31 2011, 7:22 pm, Mountain Time - huling iloveyou mo sakin.
september 17 2011. 9:28am, Mountain time - huling text mo sakin.
“Hm, ewan. Nung 14, walang happy sa monthsary. Pgtapos mo magsalita ng ganun. Siguro nga wag na tayong magusap. buti na ung ganito kesa nasasaktan ako. Sensya na”
^^ short summary ng love story namin.
hay. di ko alam bat ginagawa ko to.
hm. isa lang masasabi ko. sayang.
hm. feel ko talaga di man lang nabigyan ng chance ung tayo. hays. alam mo sayang talaga. binigay ko lahat eh. todo. ang sakit pala.
kinginang canada to. hay.
hay. akala ko ba walang iwanan forever?
osya sya. ayoko manubat.
kamusta ka na pala? balita ko, pharmacy na daw ang kukunin mo sa college. mabuti naman pinayagan ka. :)
ako, ewan. parang nawalan ng konting gana mag accountancy kasi di ka na doon. pero un pa rin course ko kung sakali.
kung sakaling uuwi pa ako.
parang nagdadalawang isip na rin ako eh.
ewan. parang awkward kasi eh. basta masyadong alanganin.
pero kung sakaling maging tyo ulit, for sure uuwi ako.
2nd balita. may nanliligaw daw sayo. at sympre, dahil mabait ka, ineentertain mo naman.
okay lang naman sana.
kaso syet, wala pa ngang 2 buwan na nagbreak tayo, may bago ka na agad. huwahaw grabeh. imba gg. syet. putangina.
dun talaga ako nabadtrip eh. beyoooooooond badtrip . sobra pa.
alam mo, gusto ko pa nga sana makipagbalikan eh. sympre ung babaan ko uli pride ko, tas susundin lahat ng gusto mo ganun ganun. pero tangina, nagulantang talaga ako sa nabalitaan ko.
ayoko naman manghusga. na baka pinapatulan mo lang para rebound o gusto mo talaga.
pero syet talaga.
hm.
ako eto.
hinantay ko ung 3 months. ayon sa one more chance.
tska, triny ko din manligaw ng iba, ewan, pero di ko talaga kaya ibuhos ung sarili ko na manligaw ng seryoso.
parang nakakatamad.
siguro iba lang talaga kapag mahal mo ung nililigawan mo.
whatevs.
hay nako ka. sabi ko kung papalitan mko, ung mas gwapo sakin. di ko naman sinasabing gwapo ako, pero mas panget lang talaga yang bago mo.
belats.
pero sige. yan naman sabi ko sayo noon eh. kung may magustuhan kang iba, sabihin mo lang sakin, ok lang naman. ayan. :) cge enjoy ka muna. try mo muna yang ibang putahe.
pero kung pwede sana, pag tapos nya, balik ka na sakin. please? :(
hay ako kamusta na?
hm. eto nagpapakasaya. puro pantritrip nalang inaatupag ko. nkakatamad din sa school.
di pa rin ako nakakamove on.
imba pa rin tama ko sayo. hay.
ewan ko ba.
minsan naiisip ko ung mga ginawa mo sakin, tas nababadtrip ako.
tas minsan naman naaalala ko ung mga good memories, tas namimiss kita.
ewan ko.
nakakabadtrip ka kasi eh.
hay.
1 oras nalang pasko na dito.
kaya ewan. gusto ko nalang humingi ng tawad.
sorry sa mga nagawa ko sayong mali.
sorry sa mga nasabi ko.
sorry sa atin.
sorry sa pangugulo sa buhay mo.
sorry sa pagiging bitter masyado.
sorry sa mga nailalagay ko sa fb. wala, sobrang inis ko lang kasi talaga eh.
sorry din binawi ko ung camera.
at higit sa lahat, pasensya na. di ko naman sinasadya na pakawalan ka eh.
sige yan nalang. ewan ko kung babasahin mo to.
pero kung oo, gusto ko lang malaman mo na, sige, kakalimutan ko nalang din ung mga kasalanan mo sakin. (oo, meron kaya ano akala mo, perpekto ka?) ayun.
ayoko nang humingi ng chance pa ulit. wala na rin patutunguhan.
haym. vkung magiging tayo siguro ulit, sobrang kumplikado na. ewan. cguro, alam na natin kung saan tayo nagkamali sa isat isa at kaya na nating i prevent yun. pero ung history natin, masyadong madugo. alam ko pag napagusapan natin, magaaway lang tyo. tas magaaway ng magaaway hanggang magbreak ulit. hay. sayang talaga.
di man lang nabigyan ng chance. sorry.
pesteng canada to.
eto nalang tandaan mo. di ako sigurado kung ilang girlfriend ang susunod sayo, pero basta
sa lahat ng girlfriends ko, ikaw ang una, at ikaw ang favorite ko.
merry christmas. :) i’m sending all my love to you.
but of course, somebody owns you now. kaya nevermind nalang.
———-
GUSTO KO PO SANANG MABASA TO NG EX KO, SI , KASO BLINOCK NYA AKO SA FB AT AYOKO NAMAN ITEXT KASI ANG HABA NETO GAGA KA BA. TULUNGAN NYO NAMA AKONG UMABOT SA KANYA TO. :) THANKS.
1 note link >Isipin mo to.
Meron isang idea.
itong idea na to, bata ka palang, ipapakita na sayo.
yung idea na yan, yan ang ipapakain sayo, araw araw, hanggang sa maniwala ka.
isang idea, na magiging napakalaking parte ng buhay mo.
ang idea na kailangan mong i consider sa bawat choice na gagawin mo.
idea na hindi mo pwedeng kontrahin.
Ipapaniwala sayo na pag kinontra mo ung idea, may mga masamang mangyayari.
ang idea na ito ang magiging centro ng buhay mo.
itatatak sa isip mo na ang idea na kapag nawala ang idea na to, mamamatay ka.
tapos..
isang araw.
sasabihin sayo na ang idea na yun ay isa lamang kasinungalingan
ano ka ngayon?
ang idea na yun, na bumuo sa pagkatao mo.
ang idea na yun, na kahit di mo nakikita, sinasamba mo.
ang idea na yun, na nagpasya sa mga importante desisyon sa buhay mo.
ang idea na yun, na unti unti kang pinapatay.
ang idea na yun, na pinasasalamatan mo kapag may nangyayaring maganda, at mas lalo na pag may nangyayaring pangit.
ang idea na yun, na syang nagdikta kung saan ba dapat patungo ang buhay mo.
isang idea lang, nawala na ang kalayaan mo.
tapos kasinungalingan lang pala.
joke lang pala kumbaga.
Ano ka ngayon?
Sino ka ngayon?
Saan ka na maniniwala?
ung idea na naging fundasyon ng buhay mo, biglang nagiba.
Ngayon di mo na alam kung ano ang tama.
kung ano ang mali.
kung saan ka nga ba dapat patungo.
kung bakit ka nga ba nagpakatanga,
kung bakit ka naniwala sa isang idea na halata namang peke.
na halata namang kasinungalingan lang.
ngayon, sa bawat pagdilat ng mata mo, makikita mo ung kasinungalingan.
makikita mo kung gaano ka peke yung idea na yun.
at kung gaano ka peke ang buhay mo.
ang buhay mo na walang ginawa kundi sundin ang idea na yun.
kaya ang natatanging tanong ko sayo.
“Ano ka ngayon?”
—————
btw, you can replace idea with kahit anong gusto mo, love, religion, government.
para sa mga ginago ng minamahal,
para sa mga aethists na di na naniniwala sa Diyos.
para sa mga taong bayan na niloko ng Gobyerno.
at kung ano ano pa.
——
“Did you think to kill me? There’s no flesh and blood within this cloak to kill. There is only an idea. And ideas are bulletproof.”
- V for Vendetta
link >bat naman si chouji pinatulan mo.
ganyan ka na ba kadesperada?
di na talaga ikaw ung nakilala ko noon.
link >At kahit na magka-anak kayo’t
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka…
bumaba ang bill sa cellphone. :)
tenkyuberimats! :D
link >